POSTSCRIPT / August 21, 2023 / Monday

By FEDERICO D. PASCUAL JR.

Journalist

Share This
Twitter

‘Ang dugo ay buhay!’

The message pierced the air like a clarion call by Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates B. Villegas in his homily at the 10 a.m. Mass on Monday at the Santo Domingo Church in Quezon City marking the 40th year of the murder of democracy icon Ninoy Aquino Jr. by a police squad that took him upon his return from exile on Aug. 21, 1983.

Archbishop Socrates Villegas on Church, politics, and #EDSA36. Click on the image to watch the full video.

The throng that flocked to Santo Domingo in 1983 to pay final homage to the opposition leader who had declared “the Filipino is worth dying for” grew to at least a million during a 10-and-a-half-hour funeral procession from QC to the Manila Memorial Park in Parañaque.

“Nagising tayo noong 1983 dahil sa dugo ni Senator Ninoy…. Nailigtaas at napatawid tayo sa kasalanan dahil sa dugo ni Hesus,” archbishop Villegas said. He pressed on:

“Nagkalat pa rin ang dugo pero bakit parang nasanay na tayo at naging manhid na. Walang gana? Walang pakialam? Walang hiya para sa masama? Mahirap gisingin ang nagtutulug-tulugan! Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan.

Villegas said it’s not enough to simply recall Aquino’s martyrdom: “Hindi sapat na alalahanin ang kabayanihan ni Senator Ninoy. Kailangan tayong bumangon at gumising sa pagtutulug-tulugan. Ampatin natin ang pagdudurugo bago mahuli ang lahat.

“Ang simula noong 1983 ay siya ring simula ngayon!”

* * *

REPRINTED below from the Rappler website (Salamat po!) is the text of Archbishop Villegas’ stirring 10-minute homily shown being delivered at Santo Domingo in the accompanying video:

ANG DUGO ay buhay. Kapag naubos ang dugo, patay. Mayaman o dukha, bata o matanda, marunong o mangmang, babae o lalaki, magkakapantay tayo. Lahat ng dugo ay pula. Walang dugong iba ang kulay. Walang dugong dilaw o bughaw. Walang dugong kulay rainbow.

Ang pagdanak ng dugo ni Abel sa kamay ng kapatid na si Cain ay kasalanang naghuhumiyaw galing sa lupa na nananawagan ng katarungan. Sa mga unang dahon pa lamang ng Biblia, naroon na ang pagkakadilig sa lupa, ng dugo ng kapatid na pinaslang. Kapag bagay ang ninakaw, maaaring isauli. Kapag dugo ang ninakaw at nalagot ang buhay, paano ito maisasauli? Huwag kang papatay. Maliwanag ang utos ng Diyos.

Ang pagdanak ng dugo ay sinagot ng higanti. Maraming pinatay na kalaban si Haring David at ang kanyang mga kaapu-apuhan. Dahil madugo ang kanyang kamay, hindi niya nakita ang katuparan ng pangakong Tahanan ng Diyos.

Dugo ang bayad sa dugong dumanak sa kamay ng kapwa tao. Upang tapusin na ang higanti ng dugo para sa dugo, ibinigay ng Panginoong Diyos ang kanyang Katawan at Dugo sa Huling Hapunan at sa krus para sa kapatawaran ng kasalanan ng mundo.

Ang dugo ay buhay. Ang dugo ay pag-ibig ng Diyos. Walang hihigit pang pag-ibig sa magbuhos ng dugo para sa pinakamamahal. Iyan ang ginagawa natin ngayon – ang sariwain para sa ating panahon ang ginawa ni Hesus at ialay na muli sa Ama ang Dugo at Katawan ni Hesus, bilang bayad-puri sa kasalanan ng bawat isa at sa sala ng buong mundo.

Ang dugo ng Diyos ay buhay para sa mundo. Ang dugo ni Hesus ay para sa walang hanggan.

Ang dugo ni Hesus ay buhay para sa mga patay. Ang dugo ni Hesus ay hamon na maghandog din tayo ng buhay para sa kapwa.

* * *

DUMANAK ang dugo sa tarmac ng airport 40 taon na ang nakakalipas. Seminarista pa lamang kami. Ang iba sa inyo ay baka hindi pa naipanganak.

Nagulat ang bayan sa kahayupan sa airport. Naghimagsik ang damdamin at sumigaw kami noon, “Sobra na! Tama na! Palitan na.” Hindi ka nag-iisa Ninoy! Sa Liwasang Bonifacio may placard. Sa Ayala Avenue may yellow confetti. Naiyak. Nagalit. Nalito. Nagtanong. Nanindigan at umawit ng Bayan Ko.

Libu-libo ang naglamay at pumila sa ilalim ng init ng araw upang magbigay-galang sa bangkay ni Senator Ninoy dito sa Santo Domingo. Ang kanyang duguang damit at mukhang nangingitim, may tanda pa ng pagkasubsob dahil sa pagpaslang, ay yumanig sa bansang takot at bulag. Nagising na kami. Hindi na kami babalik sa dilim. Hindi na pipikit. Hindi ka nag-iisa.

Iyon ang binhi na ipinunla sa tarmac na namunga ng mapayapang pagbabago sa EDSA People Power 1986. Walang namatay at pinatay sa EDSA People Power. Hinayaan tumakas na buhay ang diktador. Ang dugo sa tarmac ay bumangon, lumipad, at tumimo sa puso ng Pilipinong nagising at umayaw nang pumikit pa ulit.

* * *

PAGKATAPOS ng 40 taon, naririto tayo sa parehong simbahan kung saan siya ibinurol. May dahilan pa ba? May kabuluhan pa ba? Para saan pa? Nakalimutan na ba?

Ang turo ng EDSA – mapayapang paraang pagbabago. Katotohanan, kalayaan, katarungan ay kayang makamit na walang dahas.

Ipinagpilitang lutasin ng drug problem sa pamamaril. Ang dugo sa tarmac ay kumalat na sa bangketa at lansangan. Dugo sa mga madidilim eskinita at walang kuryenteng bahay sa tambakan. Ang dugo ng senador at dugo ng yagit ay magkapantay sa harap ng Diyos. Pare-pareho naman tayong yagit. May parusang impyerno para sa bayang nakatuntong sa patung-patong na bangkay ng mga pinaslang. At pumapalakpak pa at nagtatawa!

Ang dugo ay buhay subalit ang pagdanak ng dugo ng kapwa ay sumpa para sa atin. May huling paghuhukom at walang makakatakas sa Hukom ng mga buhay at patay.

* * *

PATULOY pa rin ang pagpaslang sa kababayan hindi lamang sa bala ng baril.

May bala ring nakamamatay ang mga pirma sa mga batas ng Kongreso at sentensiya ng hukuman na bulag sa pagbabalik ng ninakaw na yaman at buwis na ayaw bayaran.

Nagdurugo rin ang bayan dahil sa matayog na korupsyon na parang saranggola ni Pepe hindi na maabot nang tanaw. Nagdurugo rin ang bayan dahil sa PhilHealth funds noong pandemic na hindi malaman kung nasaan.

Nagdurugo rin ang bayan dahil sa pagtatakip at pagkupkop sa mga mamamatay-tao na kailangang tugisin ng batas.

Nagdurugo rin ang bayan sa walang ampat na fake news at bayarang trolls na bumabaluktot sa ating kaisipan, katwiran, at pagpapasya.

Nagdurugo rin ang bayan kapag ang gobyerno ay tulog habang bayan ay nakalubog. Nagdurugo at naghihingalo ang bayan dahil sa bilyon-bilyong confidential at intelligence funds na hindi malaman kung saan papunta ang agos habang doble na ang presyo ng bigas.

Bumaha tayo noon sa dugo ng mga kababayang pinatay sa drug war. Ngayon ay bumabaha naman at nalulunod sa lalim ng pangungutang.

Nakakamatay ang corruption. Dugo at pawis ng dukha ang nagbabayad nito. Nakakamatay ang pagsisinungaling. Liars go to hell.

* * *

BUHAY tayo dahil sa dugo mga bayani. Ang katotohanan ay buhay. Ang katapatan ay buhay. Ang kabayanihan ay buhay.

Nagising tayo noong 1983 dahil sa dugo ni Senator Ninoy. Naligtas at napatawad tayo sa kasalanan dahil sa dugo ni Hesus.

Nagkalat pa rin ang dugo pero bakit parang nasanay na tayo at naging manhid na. Walang gana? Walang pakialam? Walang hiya para sa masama? Mahirap gisingin ang nagtutulug-tulugan! Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan.

Hindi sapat na alalahanin ang kabayanihan ni Senator Ninoy. Kailangan tayong bumangon at gumising sa pagtutulug-tulugan. Ampatin natin ang pagdudurugo bago mahuli ang lahat. Ang simula noong 1983 ay siya ring simula ngayon.

“If then my people, upon whom my name has been pronounced, humble themselves and pray, and seek my face and turn from their evil ways, I will hear them from heaven and pardon their sins and heal their land.”

* * *

MAY problema ang bayan. Ang problema ay ako. Hindi sila!

May lunas ang bayan. Ang lunas ay nasa akin. Hindi sa kanila!

Kapag nagbago ako at nagsisi, magbabago rin ang bayan. Ang dugo ay buhay. Gisingin sana tayo ng dugo ni Hesus at dugo ng mga bayani.

May tinig ang dugo ng bayaning si Ninoy. The Filipino is worth dying for. Nagawa ko na ang lubos na kaya ko. Kayo naman.

Wika ng Panginoon. Gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin. Tayo naman. Walang iwanan. Tuloy ang laban. – (Text from Rappler.com with thanks)

News RoundUp

CNN PhilippinesDepEd: Enrollees for SY 2023-2024 soar to 21M
Read More
Over 21 million students have enrolled for the upcoming school year, according to the Department of Education. In an advisory posted on the agency's Facebook page on Saturday, DepEd said as of Aug. 25, at least 21,029,531 learners have registered for the school year 2023-2024. (Aug. 27)
CNN PhilippinesDFA confirms fourth Filipino fatality in Maui wildfires
Read More
The number of Filipinos who died due to the massive wildfires in Maui, Hawaii has risen to four, the Department of Foreign Affairs confirmed. The Philippine Consulate General in Honolulu said Rogelio Mabalot, a 68-year-old resident of Lahaina in Maui, is the fourth Filipino fatality in the blaze.
CNN PhilippinesAlmost 2,000 northern Luzon residents affected by ‘Goring’
Read More
More than 500 families, or 1,968 persons, were affected by the bad weather brought about by Super Typhoon Goring (international name: Saoloa), the disaster management agency reported Sunday.ces. (Aug. 27)
CNN PhilippinesPH, Australia to conduct joint patrols in South China Sea soon
Read More
The Philippines and Australia will soon hold joint patrols in the hotly contested South China Sea, it was announced by Australia's defense chief. “We are working closely together, doing joint sails is something that we've been keen to pursue now for some time.” (Aug. 27)
CNN PhilippinesFirms expected to increase oil prices anew
Read More
Pump prices are seen to go up again next week, according to a forecast by Unioil Petroleum Philippines Inc. on Saturday. Unioil said fuel price adjustments are expected from Aug. 29 to Sept. 4. The per liter cost of diesel may go up by 40 to 60 centavos while the expected increase in gasoline...
CNN PhilippinesMarcos OKs laws for disabled veterans, MSMEs, cultural heritage protection
Read More
President Ferdinand Marcos Jr. has signed three laws that would hike the monthly pension for disabled military veterans, improve support for local businesses, and scale up efforts to protect the country’s cultural heritage. (Aug. 27)
CNN PhilippinesJapan's release of Fukushima radioactive water harmless, says PH nuclear center
Read More
There is nothing to worry about the release of treated radioactive water from Japan's Fukushima Daiichi nuclear power plant into the Pacific Ocean, the Philippine Nuclear Research Institute said. (Aug. 27)
CNN PhilippinesComelec eyes purchasing of new voting machines through 2024 budget
Read More
The Commission on Elections (Comelec) said it eyes purchasing new vote-counting machines for the 2025 midterm polls despite a cut in its proposed budget from ₱43 billion to ₱27.2 billion for 2024, when the bulk of election preparations will be done. (Aug. 22)
CNN PhilippinesTransport groups push for ₱5 hike in minimum jeepney fare
Read More
Filed by Pasang Masda, Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), and Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), they want to increase base fare for traditional jeepneys from ₱12 to ₱17 for the first four kilometers. (Aug. 22)
CNN PhilippinesPH completes resupply mission to BRP Sierra Madre
Read More
Authorities confirmed that the latest resupply mission to the BRP Sierra Madre was "successfully conducted." "Notwithstanding attempts by China Coast Guard and the Chinese Maritime Militia vessels to block, harass, and interfere with the supply mission. (Aug. 22)
Previous
Next

Recent POSTSCRIPTS

TWEETS

Share your thoughts.

Your email address will not be published.